-- Advertisements --

Mas pinaigitng ngayong ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang kampanya laban sa mga scams.

Ayon kay BSP Deputy Governor Bernadette Romulo-Puyat, na dahil sa tumataas ang bilang ng mga financial scams sa bansa ay muling binuhay nila ang programang “Protect Your Money” campaign.

Karamihan aniya sa mga targets ng mga scammers base sa kanilang pagtaya ay mga government retirees at mga overseas Filipino workers.

Mula noong 2022 hanggang 2024 ay pumalo na sa P3.37 bilyon ang naitalang unauthorized banking transactions.

Pinalawig pa lalo nila ang nasabing kampanya kung saan nakipagtulungan na sila sa iba’t-ibang mga ahensya para tuluyang masugpo ang nasabing mga financial scams.