-- Advertisements --

Ikinokonsidera raw ngayon ng mga pulis na nag-iimbestiga sa pagkamatay ng broadcaster na si Percy Lapid na naresolba na.

Paliwanag ni Southern Police District (SPD) Director Police Bridadier General Kirby John Kraft, ito ay dahil nakilala na rin matapos sumuko.

Pero sinabi ng PNP official na nagpapatuloy pa rin naman daw ang isinasagawang imbestigasyon ng pambansang pulisya sa pagpatay kay Lapid sa Las Piñas City noong October 3.

Sa ngayon ay nakahain na rin daw ang kaso sa mga suspek na sangkot sa naturang krimen.

Nire-review na rin daw ang programa ni Lapid noong taoong 2021 hanggang 2022.

Patuloy din ang kanilang koorinasyon sa aman ng sinasabing unang middleman sa pagpaplano para patayin si Lapid na namatay sa loob ng New Bilibid Prison (NBP) dahil sa heart hemorrhage.

Ang middleman na nakilalang si Cristito Villamor Palaña, ay pinangalanan ng self-confessed gunman na si Joel Escorial.

Sa ngayon, binabantayan na raw ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ang seguridad ng ikalawang middleman na kinilalang si Christopher Bacoto.