-- Advertisements --

Inihayag ni Presidential Spokesman Harry Roque na haharap pa sa court martial proceedings sa Estados Unidos si US Marines Lance Cpl. Joseph Scott Pemberton na pina-deport na kahapon matapos pagkalooban ni Pangulong Rodrigo Duterte ng absolute pardon.

Sinabi ni Sec. Roque, ipinangako ito ng US authorities noong pre-trial ng kasong pagpatay ni Pemberton sa transgender na si Jennifer Laude.

Ayon kay Sec. Roque, sa court martial proceedings malalaman kung may karagdagan pang parusang ipapataw kay Pemberton at kung kuwalipikado pa itong manatili sa serbisyo.

Kahapon, balik-Estados Unidos na si Pemberton kasunod ng pardon na iginawad ni Pangulong Duterte mataos ang mahigit limang taong pagkakakulong sa kasong homicide.

“Pag-uwi raw po ni Pemberton tuloy pa rin ‘yung kanyang court martial proceedings at doon po malalaman kung meron pang additional na parusang ipapataw sa kanya at ‘yung kanyang qualification to remain in service,” ani Sec. Roque na dating isa sa mga abugado ng pamilya Laude.