Pinahiya ng Oklahoma City Thunder ang NBA defending champion na Toronto Raptors, 98-97.

Ang nangyaring upset sa Raptors (22-11) ay kahit kahapon lamang ay may big win sila laban sa isa sa top team na Boston Celtics.

Dinala ang Thunder (17-15) nina Shai Gilgeous-Alexander na may career-high na 32 points at si Chris Paul na nag-ambag ng 25 points para itala ang kanilang ika-17 panalo.

Sa ibang game sa “day of upset,” ganon din ang nangyari sa banggaan ng Houston Rockets at New Orleans Pelicans.

Hindi umubra ang Rockets (22-11) na kahapon lamang ay nagtala rin ng panalo.

Nanguna sa paglampaso ng Pelicans sa Rockets sa iskor na 127-112 ay si Lonzo Ball na dumiskarte ng season-high na 27-point performance kabilang na ang career-high na pitong 3-pointers.

Sa ngayon ang Pelicans (11-23) ay kumamada na ng limang panalo sa loob ng huling anim na laro.

Ang come-from-behind win nila laban sa Houston ang ikaapat na sa sunod nilang panalo.

Sinamantala ng Pelicans ang hindi paglalaro ng mga Houston stars nina James Harden, Russell Westbrook at Clint Capela.