Arestado ang isang lalaki na nagpapanggap na dentista sa Recto Ave. sa Maynila.

Kasama ng Manila Police District (MPD) at Philippine Dental Association (PDA) ay nilusob nila ang klinika ng suspek na si Rogelio Melgar Jr.

Sinabi ni Dr. Narisa Nagos ng PDA, na graduate lamang sa dentistry ang suspek subalit hindi pa nakakapasa ito sa board exams.

Base naman sa nagrereklamo na pinaghuhubad pa ito ng suspek bago daw isagawa ang pagbubunot niya ng ngipin.