NAGA CITY – Nahaharap ngayon sa karampatang kaso ang isang driver matapos mabangga ng minamaneho nitong bus ang isang pedestrian sa Barangay San Antonio, Nabua, Camarines Sur.

Kinilala ang suspek na si Ariel Watiwat residente ng Barangay 49 Bigaa, Legazpi City.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Police Corporal Ronald Peregrino, tagapagsalita ng PNP Nabua, napag- alaman na nahuli ang suspek sa bayan ng Pili matapos doon dumiretso nang mangyari ang insedente.

Napag-alaman din na bigla umanong tumawid ang biktima sa palikong parte ng nasabing daan kaya nabangga ito na nagresulta sa agarang kamatayan ng biktima.

Sa ngayon nasa kamay na ng mga otoridad ang nasabing driver para sa karampatang disposisyon.