Posibleng naabot na rin ng Pilipinas ang peak ng latest COVID-19 surge makalipas na makapagtala ng weekly negative growth rate sa unang pagkakataon mula noong Mayo, ayon sa OCTA Research group.
Sinabi ni Dr. Guido David ng OCTA Research group na ang COVID-19 reproduction rate sa ngayon sa bansa ay 1.16 percent, at 1.18 percent naman sa Metro Manila.
Bukod sa Metro Manila, nakapagtala rin ng negative growth rate ang Cavite, Laguna, at Bulacan.
Bagama’t may mga pagbabagong nakikita, paalala ni David na ang lahat ng ito ay posibleng magbago pa rin kung saan puwedeng bumilis ang pagbaba o hindi kaya ay bumaligtad kung saan tataas ulit ang mga maitatalang kaso.
Ang pronouncement na ito ni David ay salungat sa assessment naman ng Department of Health, na kahapon lamang, Setyembre 18, ay nagsabi na ang bagong COVID-19 cases sa bansa ay hindi pa nagpapakita nang senyales nang pagbaba ngayong 94 pang mga lugar ang nananatiling nasa pinakamataas na alert level.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, 94 na lugar ang nasa ilalim ng Alert Level 4; 18 ang nasa ilalim ng Alert Level 3; at siyam ang nasa ilalim ng Alert Level 2.