Matibag and Pacquiao
-- Advertisements --

Naging mainitan ang hearing para sa taunang budget ng Department of Energy (DoE) nitong Huwebes.

Sa pagtatanong kasi ni Sen. Manny Pacquiao, naungkat maging ang isyu ng mga nakapuwestong kaanak ng mga opisyal na sumasalang sa pagdinig.

Kabilang sa nabanggit ang asawa ni TransCo president Melvin Matibag, na siya ring secretary general ng PDP-Laban Cusi faction.

Pero sa halip na magbigayan sa tanong at sagot, naging mainit ang sitwasyon sa hearing at tumaas kanilang mga boses.

Inakusahan na rin nito ang ang pagdinig ng komite para sa pondo ay naging political hearing.

-- Advertisement --

Inalmahan ito ng panel chairman na si Sen. Sherwin Gatchalian.

Giit nito, unfair ang ginawang pagtawag ni Matibag na napopolitika ang kanilang public hearing.

Dahil sa pangyayari, pina-alis ni Gatchalian sa virtual meeting si Matibag.

Ipinagpatuloy naman ang hearing, makalipas ang naturang sitwasyon.