Tiniyak ng Philippine Coast Guard Southern Tagalog na nakahanda ang kanilang hanay sa posibleng pananalasa ng Bagyong Crising lalo na sa Southern Tagalog.
Ayon sa PCG, naka-full alert na ang Deployable Response Group ng Timog Katagalugan para sa mas mabilis na pagtugon sa mga epekto ng sama ng panahon dala ng Crising at maging sa iba pang maipapaulat na sakuna.
Dagadag pa dito, nakaposisyon na rin ang kanilang mga tauhan at mga kagamitan para naman sa posibleng search and rescue operations at maging para sa pagpapaabot ng humanitarian assistance sa mga residente.
Ang mga paghahanda naman na ito ay bilang pagtalima sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na panatilihing ligtas ang mga mamamayang pilipino at gawing prayoridad ang kaligtasan ng publiko sa ganitong mga panahon.
Samantala, pinayuhan naman ang mga mangingisda na iwasan muna ang pumalaot hanggat nararamdaman pa rin ang sungit ng panahon sa kanilang lalawigan.
Mahigpit naman ang nagiging koordinasyon ngayong ng PCG sa mga lokal na pamahalaan sa Southern Luzon para sa mas mabilis na deployment at response time.
Nagpaalala rin ang PCG sa mga residente na manatiling alerto at makinig sa mga abiso mula sa mga opisyal lalo na mga abiso mula sa pamahalaan.