-- Advertisements --

Hinikayat ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang ilang mga transport group na magsumite ng kanilang petisyon sa dagdag pasahe.

Ayon kay LTFRB chairman Vigor Mendoza, na bukas ang kanilang ahensiya na muling pag-aralan ang ilang mga petisyon sa taas pasahe.

Dagdag pa nito kung nakikita ng ilang mga transport group na maliit ang kanilang inaprubahang taas pasahe ay maari silang maghain ng petisyon.

Maguugnitang binatikos ng grupong Samahang Manibela, Mananakay at Nagkaisang Terminal ng Transportasyon (Manibela) at Pagkakaisa ng mga Samahan ng Tsuper at Operator Nationwide (Piston) ang pisong dagdag sa pamasahe dahil hindi umano ito sapat lalo na sa tumaas na presyo ng mga produktong petrolyo.