-- Advertisements --
PCG, sinimulan na ang Department of Transportation (DOTr), Philippine Coast Guard (PCG), at Philippine Ports Authority (PPA) ang pagdedeploy ng mga bus at truck para sa mga commuter na apektado sa malawakang tigil-pasada ngayong araw hanggang sa weekend.
Ayon sa PCG, aalalay ang mga sasakyan sa mga commuter na magtutungo sa kanilang trabaho, uuwi sa kanilang bahay, atbpang aktibidad.
Mula ngayong Setyembre-17, magtatagal ang libreng sakay hanggang sa Biyernes, Setyembre-19.
Kabilang sa mga rutang dadaanan ng mga truck at bus ay ang mga sumusunod:
- Monumento – Quezon Avenue via EDSA
- Nagtahan – España via Lacson
- White Plains Avenue – Cubao via EDSA
- Welcome Rotonda – QC Hall via Quezon Avenue
- E. Rodriguez / Araneta Avenue – Quezon Avenue
- E. Rodriguez / Araneta Avenue – Cubao
Ayon sa PCG, naka-standby din ang mga bus at truck sa mga nasabing ruta at handang bumiyahe anumang oras kapag may na-monitor na mga stranded na pasahero.