-- Advertisements --

Nilinaw ngayon ng Phil Coast Guard for the West Phil na walang kasunduan ang Philippine gov’t sa China hinggil sa hotline mechanism na unang itinatag ng nagdaang administrasyong duterte sa pagitan ng dalawant bansa kaugnay sa usapin ng West Philippine Sea.

Ayon kay Commodore Jay Tariella, Spokesperon ng Philippine Coast Guard for the West Phil Sea, na lahat aniya ng  nangyayari  at hakbang ngayon ng pamahalaan hinggil sa usapin ng west phil sea ay idinadaan   sa karaniwang diplomatic channel sa pamamagitan ng dept of foreign affairs.

Binigyang diin ni Tarriela na sa ngayon aktibo at agresibo sila sa paghahayag sa madla o sa buong mundo ng anumang dangerous maneuvers ng Chinese Coast Guard laban sa mga tropa ng Pilipinas partikular ang Philippine Coast Guard, Philippine Navy sa ibat ibang bahagi ng West Philippine Sea.

Sinabi ni Tariella na ang kanilang ginagawa ay nakikita ng buong mundo at suportado naman  ng mga actual video at mga larawan.

Mariing kinondena ng PCG ang ginawang dangerous manuever ng China Coast Guard sa barko ng Phil Navy.

Ipinunto din ng opisyal na mahalaga ang papel ng media sa mga ginagawang resupply missions para  hindi sila maparatangan na inihuhubog nila ang public opinion, bagkus ay  mismong mga taga media ang nakasasaksi sa ginagawa ng Chinese Coast Guard sa  tuwing may resupply mission para sa mga tropang nagbabantay sa pinag-aagawang teritoryo.