-- Advertisements --

Nagdeploy pa ng dagdag na K-9 units ang Philippine Coast Guard para sa pagsasagawa ng search and retrieval operations sa mga biktima ng pagguho ng lupa sa bayan ng Maco sa Davao de Oro.

Ayon sa Coast Guard District Southeastern Mindanao, nakarating na sa Davao City ang tatlong dagdag na Coast Guard K9 Search and Rescue dogs mula sa Zamboanga City, Zamboanga del Sur para lumahok sa misyon ng coast guard K9 search and rescue Appa.

Sa gitna ito ng nagpapatuloy na retrieval operations sa Barangay Masara, Maco, Davao de Oro kasunod ng nasabing insidente.

Ang naturang dagdag na K9 dogs at ang kanilang mga handler ay mainit na tinanggap kaalinsabay ng pagbabasbas ni REV FR (CG LT) Emmanuel Cabahug para sa ikatatagumpay ng kanilang misyon.

Ang mga ito ay pawang mga highly trained dogs, habang ang kanilang mga handlers naman ay pawang mga skilled at may expertise pagdating sa usapin ng search and retrieval operation.

Kung maaalala, batay sa pinakahuling datos na inilabas ng mga otoridad sa ngayon ay pumalo na sa 68 ang death toll sa Maco at landslide na ikinapinsala at ikinasugat din ng maraming mga indibidwal.