Magpapatupad ng limang reporma ang Kamara para sa pagsasabatas sa 2026 national budget at sa implementation process.
Ginawa ni Speaker Romualdez ang pahayag sa ginawang ceremonial turnover ng National Expenditure Program (NEP), ang P6.793-trillion 2026 budget proposal ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr.,
Sinabi ng pinuno ng Kamara na ang mga reporma ay naglalayong tiyakin ang ganap na transparency at isangkot ang publiko sa pamamagitan ng mga people’s organization da budget deliberation dahil ang budget ay pera ng bayan.
Isa sa reporma na ipatutupad ng Kamara ang pagtanggal sa small committee na siyang nag co-collate ng mga institutional amendments.
Pangalawa ang pagbubukas ng House-Senate conference para ituwid ang kanilang magkaibang bersiyon.
Pangatlo, ang partisipasyon ng Civil Society, peoples organization at ang private sector dahil ang pambansang budget ay hindi pag-aari ng mga pulitiko, ito ay pera ng bawat Pilipino na nagbabayad ng buwis.
Pang-apat ang pagpapalakas sa House oversight function sa implementasyon ng budget.
Giit ni Speaker Romualdez na nararapat lamang buksan ang talakayan sa publiko at lahat ng amendments ay dapat batid ng mamamayan.
Dahil kung pera ng taumbayan ang pinag-uusapan, dapat taumbayan din ang nakakaalam.
Aniya, bawat pisong ginastos ay dapat may katumbas na serbisyong nararamdaman.
Sabi ni Speaker ang pang limang reporma ay kanilang bibigyang prayordiad ang investments na makakapagbago sa buhay ng bawat Pilipino.
Naniniwala ang house leader na kapag malinaw ang proseso malinaw din ang tiwala ng taumbayan.
Pagtiyak ni Speaker Romualdez, kanilang hihimayin ang bawat pahina ng NEP.