Inaasahang mas lalakas pa ang presensya ng Philippine Coast Guard (PCG) sa West Philippine Sea (WPS).
Ayon sa PCG, magtatayo sila ng magiging base station sa Kalayaan Island, Palawaan.
Ngayong araw, nagkarga ang kanilang mga tauhan ng construction materials para maisakatuparan ang paglalagay ng kanilang himpilan sa naturang lugar.
Isinakay ang mga materyales sa BRP Malapascua o MRRV-4403.
Hindi naman nagtakda ng araw ang ahensya kung kailan makokompleto ang nasabing pagtatayo ng base command.
Magugunitang naging agresibo ang PCG sa pagbabantay sa West PH Sea, makaraang mapa-ulat ang daan-daang barko ng mga dayuhan sa nasabing parte ng karagatan.
Maging ang pagtaboy nila sa mga barkong pumapasok sa exclusive economic zone (EEZ) ay umani rin ng mga papuri.