Binigyang pagkilala at parangal ng Philippine National Police (PNP) ang anim na pulis na siyang rumisponde sa naging hostage-taking incident sa Baliwag, Bulacan.
Ang pagkilala ay pinangunahan ni PNP Chief PGen. Nicolas Torre III kung saan pinangaralan ng medalya ang mga pulis matapos magpakita ng katapangan, kahusayan at disiplina sa kanilang pagtugon sa mga kritikal na sitwasyon.
Isa sa mga kinilala si PMSg. Francis Damian na siyang matapang at malakas na loob na kumuha ng patalim sa kamay ng hostage-taker upang mailigtas at mailayo sa kapahamakan ang biktima.
Samantala, binigyang diin naman ng hepe na ang naging matagumpay na pagresponde ng mga pulis sa insidenteng ito ay nagppakita aniya ng mlaking improvement sa pagtugon ng pulisya sa mga emerhensiya ng publiko.
Ilan pa sa mga pinangaralang mga pulis ay sina PLtCol. Jayson San Pedro, PLt. Ariel Modelo, PSSg. Eligio Cuaresma Jr., Pat. Ronnel Ray Jimenez at Pat. Prince Peter Paul Natividad.