Opisyal at pormal nang umupo bilang bagong director ng Police Regional Office III si PBGen. Rogelio Peñones na siyang ppalit kay PBGen. Jean Fajardo na ngayo’y balik kampo na bilang bagong Director ng Directorate for Comptrollership ng Philippine National Police (PNP).
Sa kaniyang naging mensahe sa naging turn-over ceremony sa kanilang tanggapan, inihayag niya ang kaniyang kahandaan na harapin ang mga hamon na maitaguyod ang mas payapa at mas ligtas na Central Luzon.
Nangako din ang bagong PRO 3 Director na buong loob niyang haharapin ang mga hamon na kaakibat ng kaniyang bagong pwesto at asahan na ang pagbibigay serbisyo ng kanilang opisina ay magiging alinsunod sa ano man ang mgaing direktiba ng PNP Chief PGen. Nicolas Torre III.
Samantala, bago naman maitalaga bilang PRO 3 Director ay nauna nang nanungkulan si Peñones bilang National Capital Region Police Office (NCRPO) Deputy Regional Director for Administration at naging director na rin ng Northern Police District at Zambales Provincial Police Office.