Inihayag ni House Speaker Martin Romualdez na makabuluhan ang pulong nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr at US Vice President Kamala Harris na nagpapalawak sa mga hakbangin para sa pagsusulong sa partnership ng dalawang bansa kung saan makikinabang dito ang sambayanang Pilipino.
Sinabi ni Speaker Romualdez nakakatuwang tandaan na sa pagpupulong nina Marcos at Harris, kapwa inulit ng dalawang opisyal ang kanilang pangako na i-secure at isulong ang mga inisyatiba na kapwa kapaki-pakinabang na nabanggit na sa pagbisita ni Harris sa bansa.
Dagdag pa ni Speaker, pinapalakas din ng nasabing pulong ang pag-asa at kumpiyansa na ang pagsisikap na maging matatag ang ugnayan ng dalawang bansa kung saan sa huli ang makikinabang dito ang mamamayang Pilipino dahil sa pagtaas ng dayuhang pamumuhunan na lilikha ng mas maraming trabaho, kabuhayan at mga pagkakataon sa negosyo.
Sa pagpapanatili naman ng regional peace and stability sa Ind-Pacific region, tiniyak ng Amerika ang kanilang stilong lalo na sa pagpapaigting ng maritime and tactical lift capabilities of the Armed Forces of the Philippines (AFP).
Plano ng Amerika na mag-transfer ng dalawang Island-class patrol vessels sa AFP, dalawang Protector-class patrol vessels, at tatlong C-130H aircraft.