Bagong sama ng panahon ang namataan sa silangang bahagi ng Pilipinas at inaasahang papasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) sa mga susunod na araw.
Kapag tuluyang pumasok, ito ay tatawaging Bagyong Uwan, ang ika-21 tropical cyclone ngayong taon.
Ayon kay weather specialist Grace Castañeda, maaaring sa huling bahagi ng linggo makaapekto sa bansa ang naturang weather disturbance.
Posibleng tumama ito sa Luzon at sa iba pang bahagi ng bansa, depende sa magiging galaw nito sa mga susunod na araw.
Sa ngayon, nananatili pa itong nasa labas ng PAR, ngunit patuloy itong binabantayan ng mga eksperto. Inaasahan pa ang dalawa hanggang limang bagyo na maaaring pumasok sa PAR bago matapos ang taong 2025.
Patuloy ang paalala ng mga awtoridad na maging alerto at handa sa posibleng epekto ng paparating na sama ng panahon.















