Nagbigay ng tulong ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga residente ng Bais City, Negros Oriental na naapektuhan ng pagtagas ng kemikal mula sa bumagsak na wastewater lagoon ng isang distillery noong Oktubre 26, 2025.
Ayon kay Assistant Secretary Irene Dumlao ng DSWD Disaster Response Management Group, agad silang nagpaabot ng 6,594 family food packs (FFPs) sa mga apektadong pamilya. Nananatili rin umano ang P2.2 billion na stockpiles at P204.8 million na standby funds ng ahensya para sa mga susunod na operasyon nito.
Batay sa ulat ng Environmental Management Bureau–Negros Island Region (EMB–NIR), bumagsak ang pader ng 20-ektaryang wastewater lagoon dahil sa mga bitak na dulot ng lindol at pinalala ng malalakas na ulan.
Tiniyak din ngh DSWD na patuloy ang koordinasyon nito sa mga lokal na pamahalaan upang matiyak na lahat ng naapektuhan ay mabibigyan ng tulong, kasabay ng imbestigasyon at paglilinis sa lugar.
Dagdag pa niya, handa ang ahensya na magbigay ng karagdagang tulong anumang oras, alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at ni DSWD Secretary Rex Gatchalian.
 
		 
			 
        













