Tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na suportado ng gobyerno ang upgrading o pagpapalakas sa mga equipment at capability ng Philippine Coast Guard.
Magkakaroon ng 40 na patrol boats Philippine coast Guard sa mga darating na panahon, ito ay isang 40 footer na watercraft at ginawa sa Cebu.
Sa isang panayam, sinabi ng pangulo na ang mga dagdag na bagong barko ay magpapalakas sa kapabilidad ng PCG na mabantayan ang mahabang coastline ng bansa.
“We are continuing with the upgrading of the equipment and the training and the capabilities of all our people, especially the Coast Guard, not only because they are on the frontline in the problems now that we’re facing in the West Philippine Sea but also because of the very important function that they play when it comes to search and rescue, when it comes to maritime incidents, when it comes to even disaster assistance, marami silang ginagawa,” pahayag ng Pang. Marcos Jr.
Ayon naman kay PCG Spokesperson Rear Admiral Armand Balilo na ang mga nasabing patrol craft ay gagamitin ng PCG sa pagpapatrulya sa coastline ng bansa at maging sa bahagi ng West Philippine Sea.
Inihayag naman ni PCG for the West Phl Sea na magpapatuloy ang kanilang pagpapatrulya sa pinag-aagawang teritoryo.
Aniya hindi papatinag ang PCG sa pambu bully ng China.
Mariing kinokondena ng Coast Guard ang ginawang delikadong manuever ng China Coast Guard laban sa Philippine Navy.