Binigyang-diin ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na dapat tiyakin ng gobyerno na mahigpit ang kaso laban sa mga pinaghihinalaang sangkot sa korapsyon at may matibay na ebidensiya para managot ang mga “guilty.”
Pahayag ito ng Pangulo sa isang teaser ng kanyang susunod na podcast.
Binalaan ng Pangulo ang pag-file ng mahihinang kaso na walang malinaw na ebidensiya dahil ito raw ay magdudulot ng mas masamang resulta.
Sabi ng Presidente, kapag minadali ang kaso, kulang ang ebidensiya, malabo pa, pero pinilit, maaaring matalo ang kaso. Mas lalo lang itong magdadala ng mas masama,” wika ng Pangulo.
Iginiit ni Marcos na dapat sundin ng gobyerno ang batas sa paghabol sa mga corrupt officials upang maging lehitimo ang pananagutan.
Ang pahayag niya ay kasabay ng patuloy na imbestigasyon ng ICI sa mga anomalya sa flood control at iba pang infrastructure projects sa nakaraang dekada.