-- Advertisements --

Hinimok ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. ngayong Linggo, December 24, 2023 bisperas ng Pasko ang mga Filipino na maging instrumento ng pagasa sa pamamagitan ng pag-abot ng tulong sa mga nangangailangan.

Sa Christmas eve messahe ng Pangulo hinikayat ng Pangulong Marcos ang mga Filipino na palawakin ang Christmas spirit hindi lamang sa kanilang mga pamilya, kamag-anak at kaibigan.

Ayon sa Presidente ang totoong “meaning” ng pagdiriwang ng Pasko ay ang pagbibigay pugay sa kapanganakan ni Jesus sa pamamagitan ng pag reach out sa mga nangangailangan nating mga kababayan.

“Let us kindle our hearts with goodwill, kindness, and compassion as we spread merriment in our homes and communities,” pahayag ng Pangulong Marcos.

Dagdag pa ng Pangulo,” By doing so, we do not only bring peace, love and unity but become living instruments of the timeless adage that God’s work here on earth is truly our own. Isang Maligayang Pasko sa ating lahat!”