Pinangunahan ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. ang ika- 122nd Phil Coast Guard Anniversary ngayong araw.
Highlight sa nasabing event ang paggawad ng parangal sa mga miyembro ng PCG lalo na ang mga nagpapatrulya sa teritoryo ng bansa partikular sa West Phl Sea na biktima ng pambu bully ng China.
Pinasalamatan ng Pangulo ang PCG sa kanilang walang patid na pagbibigay serbisyo sa bayan at sa pag protekta sa teritoryo ng bansa.
Siniguro ng chief executive ang suporta nito sa PCG.
Ayon sa Pangulo magpapatuloy ang pag upgrade sa mga equipment ng PCG ng sa gayon mapalakas pa ang capability nito lalo na sa pagsasagawa ng search and rescue operation at maging sa kanilang maritime operation.
Ininspeksyon din ng Pangulo ang BRP Malabrigo na binombahan ng water cannon ng China Coast Guard.
Pinuri naman ng Pangulo ang pagkakaroon ng maraming kaibigan ng Pilipinas sa mundo na tumutulong sa pagpapaganda at pagpapatibay sa Phil Coast Guard.