-- Advertisements --

Hinimok ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mga mananampalatayang Katoliko na nagmumuni-muni ngayong Holy Week na huwag kalimutan ang kahalagahan ng okasyon sa pamamagitan ng pagpapalaganap ng kabaitan at pagiging hindi makasarili lalo na sa mga mahihirap nating mga kababayan.

Sinabi ng Pangulong Marcos ngayong Semana Santa, hindi lamang ang sariling hangarin para mapalakas ang pananampalataya sa diyos kundi siguraduhin na maliwanagan din ang landas nang iba.

Dalangin din ng Punong Ehekutibo na mapagpakumbabang tanggapin ng bawat isa ang tunay na sarili na hindi isang perpektong nilalang, sapagkat sa pagiging tunay ang pagkatao ay mararanasan ang pagiging banal.

Aniya, palagiang tandaan na hanapin ang Panginoon sa bawat pansariling hangarin.

Ngayong araw ginugunita ang Palm Sunday, hudyat na rin ito sa mga mananampalatayang Pilipinong Katoliko at maging sa buong mundo ang paggunita sa Holy Week.

Ayon kay Pangulong Marcos, ang Holy Week ay paggunita sa pasyon, kamatayan at muling pagkabuhay ng Panginoong Jesus at ang araw upang pagnilayan ang maraming hamon na kinakarap ng isang Catholic faitful.

Nawa’y makita ang panloob na pagninilay sa ating panlabas na kilos habang sinisikap nating magbigay ng pag asa sa mundong nanganganib ng kadiliman.

Dapat maging liwanag na nagniningning sa mga anino, ang pag ibig na nagtatagumpay sa kawalan ng pag asa, at ang pag asa na nagniningning sa buong sangkatauhan.

Ipinahayag din ni Pangulong Marcos na dapat batid ng mga mananampalatayang Katoliko na hindi dahil sa kanilang naabot o narating ang mangibabaw kundi ang liwanag na nag alab sa puso ng lahat ang mananaig.