Ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Department of Interior and Local Government (DILG) at Philippine National Police (PNP) na tiyakin ang kinaroroonan nina Sarah Discaya, Maria Roma Angeline Remando, at iba pang sangkot na opisyal ng DPWH para sila ay agad maaresto kapag may inilabas ng arrest warrant mula sa korte.
Nuong Biyernes, December 5,2025 inanunsiyo ng pangulo na inirekumenda na ng ombudsman ang pagsasampa ng kasong kriminal laban sa mga sangkot sa umano’y ghost flood control project sa Kulaman, Jose Abad Santos, Davao Occidental na nagkakahalaga ng halos 100 milyon pesos.
Inilahad sa reklamo ang mga pangalan mula sa St. Timothy Construction, kabilang sina Cezarah Rowena Discaya at Maria Roma Angeline Remando, pati na ang ilang DPWH personnel na umano’y nagpabilis ng pag-apruba ng mga dokumentong nagresulta sa pag-release ng buong pondo.
Ayon sa Pangulo, kaniyang sinisiguro na maraming mga sangkot sa flood control anomaly ay magpapasko sa kulungan.










