Magiging abala si Pangulong Ferdinand Marcos sa pagtungo nito sa Indonesia dahil may mga nakalinya itong mga pagpupulong kasama ang Indonesian business group at makikibahagi sa mga kaganapan na magpo-promote sa trade and investment ng bansa.
Kasabay ito ng pagdalo ng Chief Executive sa 43rd ASEAN Summit sa Jakarta.
Makikipagpulong ang Pangulo sa ASEAN Business Advisory Council at sa mga prominenteng negosyante sa Indonesia na may planong palawakin ang kanilang negosyo sa Pilipinas.
Ayon kay DFA Assistant Secretary Daniel Espiritu, nakatakdang makilahok ang ilang prominenteng kumpanya sa Indonesia partikular ang WIR Asia na layong malagak ng $20-million na investment para palawakin ang kanilang innovations sa metaverse at artificial intelligence applications sa kanilang existing subsidiary sa Philippines.
Dadalo rin sa nasabing pulong si Pasifik Satelit Nusantara, na una ng lumagda sa isang letter of intent sa Philippines nuong September 2022.
Si Nusantra ay magbibigay ng update hinggil sa kanilang proyekto at ang napipintong launching ng kanilang satellite’s.
Plano ng kumpanya na maglaan ng 13.5 gigabytes per second of bandwidth sa Pilipinas na layong suportahan ang connectivity ng bansa.
Dagdag pa ni Espirito, naghayag din ng kanilang plano ang Indonesian laboratories na Darya-Varia Laboratoria at Vaksindo Satwa Nusantara na magbigay ng Avian influenza vaccines.