Kumpyansa si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na lalo pang lalago ang produksyon ng agrikultura sa bansa sa sandaling matapos na ang Lower Agno River Irrigation System (LARIS) Paitan Dam.
Ang naturang dam ay idinesenyo upang magamit ang water resources ng Agno River kung saan ito ang isa sa pinakamalaking ilog sa Pilipinas.
Ginawa ng Pangulo ang pahayag kasabay ng isinagawang groundbreaking ng proyekto sa Santa Maria, Pangasinan.
Namahagi rin ang pangulo ng makinarya sa pagsasaka, Solar Powered Irrigation Projects maging ng iba pang mga farm inputs sa mga magsasaka sa lugar.
Paliwanag ni Marcos Jr. na ito ay bahagi ng patuloy na pagsisikap ng gobyerno na mapalakas ang produksyon ng agrikultura sa Pilipinas.
Sa sandaling matapos na ang proyekto, mapapakinabangan ito ng mga sakahan sa Pangasinan, Tarlac, at Nueva Ecija.
Batay sa datos, umabot na sa mahigit P370 million ang halaga ng tulong ang naibahagi ng DAR, NIA at DA sa mga napiling benepisyaryo. ng programa.