Nakahanda si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na makipag-ayos o magkaroon rekunsilasyon sa mga Duterte.
Ito ang inihayag ng Pangulong Marcos sa kaniyang podcast interview.
Ayon sa Presidente, ayaw niya ng kalaban dahil marami na siya nito, ang gusto niya ay kaibigan.
Giit ng Presidente na nais niya na magkasundo ang lahat ng sa gayon maging maayos ang lahat.
Sa ngayon kasi hindi maganda ang relasyon ng Pangulo sa mga Duterte kasunod ng ilang mga isyu.
Una ng kumalas sa Unity team si VP Sara dahil hindi na nito nagustuhan ang pamamalakad ng administrasyon.
Giit pa ng Pangulo, hanggat maaari ang gusto niya ay katatagan at kapayapaan ng bansa para umusad ang bansa at magawa ang maraming trabaho.
Naniniwala ang Presidente na kahit hindi aniya sila magkasundo sa polisiya basta magkatulungan na maipatupad ang mga programang pakikinabangan ng mga Pilipino.
Binigyang-diin ng Pangulo na palagiang bukas ang kaniyang pintuan sa pagtutulungan.
“ Ewan ko. Kahit hangga’t maaari, ako, ang habol ko ay ‘yung stability, peaceful para magawa namin ‘yung trabaho namin. Kaya ako lagi nga akong bukas sa ganyan. I’m always open to any approach na, halika, magtulungan tayo. ‘Di ba? Kahit na hindi tayo magkasundo sa polisiya. Hindi tayo magkasundo. Gawin mo ‘yung trabaho pero huwag na tayong nanggugulo.Huwag na natin tanggalin natin ‘yung gulo,” pahayag ni Pang. Ferdinand Marcos Jr.