-- Advertisements --

Dumating na sa South Korea si Pangulong Ferdinand Marcos Jr para dumalo sa 32nd Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit.

Dakong alas-4 ng hapon oras sa Pilipinas ng lumapag ang eroplanong sinakyan ng Pangulo kasama ang delegasyon ng bansa sa Gimhae Air Base.

Nakatakdang makipagpulong ang pangulo sa Filipino community doon bago ang pagdalo sa APEC.

Magtatalumpati ang pangulo sa APEC CEO Summit na tatalakay sa mga hamon na kinakaharap ng bansa gaya ng digital infrastructure, supply chain risk at mga regulatory fragmentations.