-- Advertisements --

Nakatakdang dumalo si Pang. Ferdinand Marcos Jr., sa kauna-unahang ASEAN- Gulf Cooperation Council Summit sa Riyadh, Saudi Arabia.
Aalis ng bansa si Pang. Marcos sa Huwebes, October 19,2023.

Ayon kay DFA Assistant Secretary Daniel Espiritu ng Office of Asean Affairs unang aktibidad ng Pangulo sa umaga ng october 20 ay ang pakikipagkita at pulong sa Filipino community.

Magkakaroon din ito ng business roundtable sa Arab businesses at administrative services ng Saudi Arabia.

Ayon kay Espiritu, inaasahan sa gaganaping summit ang endorsement ng framework of cooperation sa pagitan ng GCC at ASEAN at palakasin ang dalawang regional cooperations.

Malaking bagay din aniya ang partisipasyon sa summit ng Pilipinas lalo pa at kilala ang GCC bilang highly developed Arab economy, at petro chemical powerhouse na inaasahang makatutugon sa usapin ng energy at food security.

Sinabi pa ni Espiritu, marami kasi aniyang mga bansa sa gulf tulad ng Qatar ay itinuturing na pinakamalaking producer ng fertilizers na pwedeng pumuno sa pangangailangan ng ASEAN.