-- Advertisements --
Nagtala ng anim na katao ang nasawi at pagkaantala ng mga flights sa malaking bahagi ng Europa dahil sa pag-ulan ng yelo.
Lima ang nasawi sa iba’t-ibang bahagi ng France matapos maaksidente dahil nagye-yelong kalsada ganun din sa Bosnia na isang babae ang nasawi dahil sa pagbagsak ng makapal na yelo.
Ilang libong mga pasahero ang naantala ang na-stranded sa mga paliparan ng Paris at Amsterdamn.
Inaasahan na magpapatuloy ang pagkaantala ng mga flights ng hanggang ilang araw dahil sa pag-ulan ng yelo.
Ibinabala ng national weather service ng France na maaaring ilagay nila sa orange alert ang 38 na distrito .
Aabot naman sa mahigit 400 na flights ang na-delayed sa Amsterdam at ilang bahagi ng Europa.
















