-- Advertisements --
Hindi makikisawsaw si Pangulong Ferdinand Marcos Jr sakaling mayroong maghain ng impeachment complaints laban kay Vice President Sara Duterte.
Sinabi ni Palace Press Officer Claire Castro na tanging ang Kongreso ang may sakop ng nasabing usapin.
Kasunod ito sa pahayag ng Makabayan bloc na handa silang maghain ng impeachment complaints matapos na mag-expire ang one-year ban na ipinatupad ng Supreme Court.
Muling paglilinaw ni Castro na nais ng pangulo na mapanagot ang dapat managot subalit hindi ito makikialam sa anumang impeachment complaints kay Duterte.















