-- Advertisements --

Naglagay na ng checkpoints ang mga otoridad para hindi makalapit ang mga tao sa six-kilometer permanent danger zone ng Mayon Volcano sa Albay.

Inilagay ang nasabing paghihigpit matapos na itaas sa Alert Level 3 ang bulkan Mayon dahil sa pagbuga nito ng pyroclastic density current (PDC) o “uson”.

Nagpatupad na rin sila ng pre-emptive evacuations sa iba’t-ibang bayan a Albay gaya sa Camalig, Ligao City, Malilipot, Daraga at Guinobatan.

Ibinabala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) na maaring ikamatay ng isang tao kapag na-expose sa “uson”.

Umaasa ang PHIVOLCS na magkakaroon ng paghihigpit ang mga opisyales ng Albay para maiwasan ang anumang sakuna.