-- Advertisements --
Magkakasabay na nagpatupad ang mga kumpanya ng langis ng dagdag-bawas sa kanilang mga produkto.
Nitong ala-6 ng umaga ng ipinatupad ang P0.10 na bawas sa kada litro ng gasolina.
Habang mayroong P0.20 na pagtaas sa kada litro ng diesel at ang kerosene naman ay magtataas ng hanggang P0.10 sa kada litro.
Ayon sa Department of Energy-Oil Industry Management Bureau (DOE-OIMB) na ang bawas presyo ay sanhi ng pagbaba ng tensiyon sa geopolitical at inaasahang oversuplay ganun din ang mataas na suplay at mahinang demand ng langis.















