Idinaan sa pagkanta ng ilang mga PBA stars ang labis na pasasalamat sa mga frontliners na lumalaban sa coronavirus disease o COVID-19.

Sa social media account ni LA Tenorio, nagpost ito ng video nang pasasalamat bago kinanta ang ilang bahagi ng “Heal the World” ni Michael Jackson.

Makikita rin sa video na sinamahan siya ng kapwa manlalaro gaya nina Scottie Thompson, Jimmy Alapag, Paul Lee, Marc Pingris, Japeth Aguilar, Mark Caguiao, Jayjay Helterbrand, James Yap, June Mar Fajardo, Kiefer Ravena, Gabe Norwood, Jayson Castro at Beau Belga.

Na-inspire ang mga PBA players sa unang ginawa ng Hollywood actress na si Gal Gadot na kumanta ng awiting “Imagine” ni John Lennon kasama ang ilang mga artista.