sheryl reyes
Photo courtesy of Reyes’ Instagram account (@femaleagentsr)

Sumakabilang buhay na ang kilalang player agent na si Sheryl Reyes matapos ang pakikibaka nito sa uterine cancer sa edad na 38-anyos.

Ang kapwa nito player agent na si Charlie Dy ang nagkumpirma ng nasabing ulat sa Instagram.

Ilan sa kilalang mga imports na tinulungan ni Reyes na makapasok sa lokal na liga sina Justin Brownlee ng Barangay Ginebra at Renaldo Balkman ng San Miguel.

Si Reyes din ang nagbitbit kay dating NBA player Lamar Odom upang maglaro para sa Mighty Sports sa Dubai International Basketball Championship.

Bumuhos naman ang mga pakikiramay sa pagyao ni Reyes sa social media.

“I will miss you. Thanks for all the help and fun times. Till we meet again,” wika ni Dy sa kanyang Twitter account.

“May you rest in peace. No more pain and suffering for you to deal with,” saad naman ni dating Alab Pilipinas cager Bobby Ray Parks.