Mamumuno muli ng panibagong tatlong taon si PBA Commissioner Willie Marcial.

Ito matapos na mabigyan siya ng three-year extension ng board of governors ng liga.

Mayroon pa kasi itong natitirang isang taon mula sa orihinal na kontrata nito na pirmado noong 2018.

Sa pamumuno ni Board chairman Ricky Vargas ay napagkasunduan ng mga board ang karagdagang extension.

Sinabi pa ni Vargas na naging bukas at transparent si Marcial sa kanyang puwesto.

-- Advertisement --