Napili ng Samahang Basketball ng Pilipinas (SBP) si dating PBA player Ronnie Magsanoc na maging national coach ng Olympic 3×3 qualifiers.

Gaganapin kasi ang qualifiers sa March 18 hanggang 22 sa New Delhi, India.

Naging coach nina CJ Perez, Chris Newsome, Jason Perkins at Mo Tautuaa si Magsanoc sa 3×3 tournament sa SEA Games.

Kabilang sa mga sasabak sa 3×3 basketball ay sina Joshua Munzon , Alvin Pasaol, Dylan Ababou, Karl Dehesa, Santi Santillan, Chris De Chavez, Gab Banal, Leo De Vera, Ryan Monteclaro at Jaypee Belencion.

Nakahanay ang Pilipinas sa Pool C kasama ang Slovenia, France, Qatar at Dominican Republic na ang top three na koponan sa 20 maglalaban-laban ay makakapasok na sa 2020 Tokyo Games.