Itinuturing ni Philippine Basketball Association (PBA) Commissioner Willie Marcial na isang ‘Wake Up Call” ang umanoy pagpositibo sa coronavirus ng isang referee habang nasa loob ng bubble sa Clark, Pampanga.
Ang nasabing insidente ay nagpapatunay na dapat mahigpit na sundin ng mga staff at manlalaro ang ipinapatupad na panuntunan sa loob ng bubble.
Dapat aniya na huwag masyadong magpakampante at ipatupad rin aniya ang health protocols gaya ng pagsuot ng face mask, face shields at palagiang paghugas ng kamay.
Nauna ng iniulat na nagpositibo sa COVID-19 ang isang referee nitong Miyerkules ng umaga kaya ito ay agad na nag-isolate subalit ng isagawa ang antigen test ay nagnegatibo naman ito.
Naniniwala ang liga at ang Clark Development Corporation and Bases Conversion Development Authority na isang kaso ng false positibo ang insidente.
Umaabot kasi sa 350 na PBA player, coaches, team staff, league personnel at ilang mga media ang nakatalaga sa Quest Hotel habang ipinagpapatuloy ang PBA Philippine Cup.