-- Advertisements --

Ibinabala ng isang mambabatas na magkakaroon ng epekto sa pagkain ang patuloy na pagtaas ng presyo ng liquefied petroleum gas (LPG) at kerosene.

Ayon kay Senior Citizens party-list Rep. Rodolfo Ordanes , na maaring lumiit o maging kaunti lamang ang ihahain na servings sa bawat karinderia.

Dagdag pa nito na ang pagtaas ng presyo ng langis ay hindi lamang nakakaapekto sa sektor ng transportasyon at sa halip ay tatamaan din ang industriya ng pagkain.

Maaari din na mapilitan ang mga restaurant, bakeries at ilang kainan na gumamit na ng uling sa pagluluto.

Magugunitang nitong unang araw ng Abril ng ipinatupad ang unang dagdag presyo na P5 sa kada kilo ng LPG na susundan ito ng panibagong P5 na dagdag presyo sa susunod na linggo.