Umakyat na sa 910 ang bilang ng mga nasawi dahil sa Wuhan coronavirus mula nang ma-detect ito noong Disyembre 2019.

Nasa 40,553 naman ang mga nagpositibo sa sakit mula sa iba’t-ibang bansa.

-- Advertisement --

Mula sa mga infected, 6,494 naman ang nananatiling kritikal ang kalagayan.

Gayunman, mayroon ding mga naka-recover na 3,324, sa kabila ng kanilang pagpositibo sa sakit.