Umakyat na sa 170 ang bilang ng mga namatay dahil Wuhan corona virus, mula nang ma-detect ito noong nakaraang taon.

-- Advertisement --

Lahat ng biktimang nasawi ay pawang Chinese.

Habang 7,736 iba pang nagpositibo at nilalapatan na ng lunas.

Nasa 75 naman ang kumpirmadong nagkasakit nito sa ibang mga bansa.

Sa kasalukuyan, nakataas na ang alerto ng emergency response sa 31 probinsya, autonomous regions at municipalities sa Chinese mainland.