Umakyat na sa 1,115 ang kabuuang bilang ng mga nasawi dahil sa Wuhan coronavirus.

Ang 97 na nadagdag ay pawang mula sa Mainland China.

Dahil dito, umaabot na sa 45,153 ang kabuuang bilang ng mga namatay mula nang una itong ma-detect noong Disyembre 2019.

Sa nasabing bilang, 31,803 o katumbas ng 81 percent ang mayroong mild condition, habang mayroon namang 7,345 o 19 percent na nasa serious condition.

Umaabot naman sa 4,529 ang mga naka-recover mula nang magpositibo sila sa naturang sakit.

-- Advertisement --