-- Advertisements --

Pumalo na sa 162 katao ang nasawi ng tumama ang magnitude 5.6 na lindol sa West Java province ng Indonesia.

Ayon kay West Java Governor Ridwan Kamil na mayroong 362 na iba pa ang nasugatan sa insidente.

Unang naitala ng US Geological Survey (USGS) ang lindol na may lalim na 10 kilometro.

Aabot rin sa 13,782 katao ang nawalan ng tirahan at sila ay pansamantalang inilagay sa 14 na refugee camp sites.

Gumuho naman ang apat na paaralan at 52 kabahayan kung saan mayroong 2,345 na bahay ang nasira.

Sa pagtaya rin ng National Agency for Disaster Management (BNPB) na nasira rin ang mosque at pagamutan.

Inaasahan ng mga otoridad ang posibleng pagtaas ng bilang ng mga nasawi dahil sa nasa malubhang kalagayan ang ibang sugatan biktimang naitakbo sa pagamutan.