Lomobo pa ngayon sa 2,923 ang kabuuang bilang ng namatay dahil sa Coronavirus Disease (COVID-19).

Nabatid na panibagong 35 (kahapon 47) sa mga ito ay mula sa Mainland China, habang nadagdagan din ang mga nasawi sa Iran (9), South Korea (1), Italy (8), at isa mula sa Amerika.

Sa kabuuan 86,602 na ang mga nagpositibo sa virus mula noong Disyembre 2019.

Nasa 33, 620 o 81 percent sa mga ito ang mild condition, habang 7,868 o 19 percent naman ang nasa serious o critical condition.

Samantala, nadagdagan din sa 42,137 ang mga naka-recover matapos ang gamutan at quarantine period.