Lumobo pa sa 6,518 ang bilang ng mga nasawi dahil sa coronavirus disease (COVID-19) sa buong mundo.

Pinakamarami rito ay mula sa China (3,213), pangalawa ang Italy (1,809) at pangatlo ang Iran (724).

Umaabot naman sa 169,652 ang mga infected ng virus mula sa iba’t-ibang bansa.

Sa nasabing bilang, 79,447 (93%) ay nasa mild condition, habang 5,921 (7%) naman ang nananatiling serious o critical condition.

Samantala, 77,776 na ang naitalang gumaling matapos ang gamutan at quarantine procedure.