Umakyat na sa 3,385 ang naitalang patay dahil sa coronavirus diasease (COVID-19).

Nanguna sa dami ng nasawi sa nakalipas na magdamag ang bansang Italy na may mahigit 40, sinusundan ng China na may 30, habang pangatlo ang Iran na may 16.

Ang kabuuang bilang naman ng mga infected ng virus ay umaabot na sa 98,420.

Sa nasabing mga pasyente, 33,141 o 84 percent ang mayroong mild condition at 6,272 o 16 percent naman ang nasa serious o critical condition.

Habang ang mga naka-recover ay umakyat na ang bilang sa 55,622, matapos silang lapatan ng lunas at sumailalim sa quarantine procedures.