Umakyat na sa 2,858 ang bilang ng mga namatay dahil sa coronavirus disease (COVID-19).

Umaabot sa 43 nasawi ay mula sa China, pito sa Iran, lima sa Italy at tig-iisa sa South Korea at Japan.

Sa ngayon may 83,362 positive cases na sa COVID sa buong mundo.

Nasa 8,493 o 19 percent sa mga ito ang nananatiling kritikal.

Habang 36,525 naman ang naka-recover matapos ang gamutan at quarantine.