Umabot na sa 140 health workers sa Iran ang nasawi dahil sa coronavirus.

Ayon kay health ministry spokeswoman Sima Sadat Lari, ang nasabing bilang ay mula ng tumaas ang mga kaso noong Pebrero.

Patuloy din aniya ang panawagan nito sa mga mamamayan na obserbahan ang tamang health protocols para hindi kumalat pa ang nasabing virus.

Umaabot na rin aniya sa mahigit 26,000 ang kaso ng coronavirus sa nasabing bansa.

Dagdag pa ni Lari na malaking utang na loob ng lahat sa mga health workers kaya nararapat na obserbahan ang health protocols.